APEC Cash Assistance Program

May 29, 2020

DORELCO- matagumpay na naipamahagi ang tulong penansyal hatid ng APEC kahapon sa DORELCO MCO/LeCares Auditorium, San Roque, Tolosa.

Sa tulong ng DSWD, may kabuuang 150 indigent Member Consumer Owners natin ang malugod na nakatanggap ng Cash Assistance mula sa APEC upang makatulong maibsan ang hirap dulot ng COVID-19.

Ang Cash Assistance Program ay isa lamang sa mga programang ipinapatupad ng APEC para sa mga MCOs. Ninais man ng APEC na mabigyan lahat ng indigent MCOs ng DORELCO, ngunit mayroon din itong iba pang mga programan na pwedeng pakinabangan ng iilan nating Member Consumer Owners.

Para sa iba pang programa ng APEC, makipag ugnayan lamang sa Institutional Services Department ng DORELCO para sa karagdagang impormasyon.

Samantala, namigay din ng libreng facemasks ang DORELCO sa mga beneficiaries.

Mariing ipinahayag naman ni DORELCO GM, Allan Laniba kahapon sa mga MCOs na ang tulong penansyal na ito ay kung maaaring ilaan lamang para pambili ng basic commodities tulad ng pagkain.

Pinasalamatan din ni GM Laniba ang APEC sa patuloy nitong pakikipag ugnayan sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno para maghatid ng tulong sa mga nangangailangan.
#APECCares
#DORELCOCares

Posted in Uncategorized.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *